callgirl | book anaconda | future secretary of education | fiancee of a doctor-to-be | economista forever | bureaucrat | bayolente daw | engot mag-commute | disinueve | big-boned ayon kay boyps | magaling mangalikot ng cordless phones | kapos sa tulog | confused | crazy | moody | writer kuno | brat | can outlast you in a street brawl | irate agent | iskamera
oist! salamat sa pagdaan sa munting blog ko! kita mo yang box sa baba... kita mo? yan.. YAN! sabihin mo lang kahit ano. para astig tayong lahat! o'ryt? asteeg!
|
 |
Wednesday, March 09, 2005
salamat sa mga prayers niyo! after one week, nakjalabas na sa hospital yung dad ko. although may mga gamot pa rin siyang dapat inumin, para mawala na yung hemorrhage sa ulo niya.
tapos yung complaint namin dun sa bwakanangshet na unang hospital na pinagdalhan sa tatay ko e inaayos na ng mom ko. humanda yung ospital na yun. muntik ng mamatay tatay ko dun.
kung maoospital kayo along caloocan area sa MCU or Manila Central University Hospital kayo magpa-admit. exemplary service. as in. wag na wag sa MArtinez Memorial Hospital na ayon nga sa tatay ko e "slaughter house" pala. shet.
at kung kukuha kayo ng HMO, aside from maxicare, get medicard. ang galing.
ayun.
nga pala, nagkita kami ni jojie sa national bookstore kagabi! hehe. papunta na kaming tokyo tokyo ni vic nun para magdinner nung nakasalubong namin siya. ansexy ni inay! at syempre, prettyness pa rin. hehe. :D next time inay, as in dinner na ha? my treat. :D
Pinag-isipan, pinaghirapan, ipinaskil ngayong 06:38 am ni ninibeLLes
Friday, March 04, 2005
guys, my dad is in the hospital right now. nasa icu pa rin altho mejo ok naman na siya. yun nga lang, hinihintay pang maging stable yung condition para malipat na siya sa private room.
we'd really appreciate it if you could include him in your prayers. god bless everyone!
Pinag-isipan, pinaghirapan, ipinaskil ngayong 03:31 am ni ninibeLLes
Tuesday, February 15, 2005
Happy Valentine's Day Everyone!
eto yung pictures nung flowers na binigay ni vic sakin.
hehe. nalanta na kasi nung monday night pa yan e! ang funny kasi wala naman kaming definite plans for yesterday tapos pagtawag ko sa pad nila to tell him that im off to school na [my classes start at 530pm kasi], wala na daw siya, nagpunta na daw ng UP. the class ended at 7pm, akala ko andun na siya sa labas ng classroom, pero wala pala. so hindi ko na talaga alam kung san siya hahagilapin. i called my place to tell them na kung dadaan si vic dun, pakisabi na lang na dumiretso na ako sa office. pero dahil naubusan ako ng load, i decided to drop by sa tambayan ng org namin. pagdaan ko sa tapat, i saw standing under the waiting shed! hehe. talk about spontaneity! [sp?] hehe. wala lang. we had dinner sa kfc [aba! may pasok pa ako ng 10pm sa office e] tapos hinatid na niya ako sa work.
i know, twas not so much. pero ang saya kasi nung surprise e. at habang nasa klase ako, nagtitext yung brod niya kasi nga ang alam magkikita kami, yun pala, kasama niya si vic. haha.
ayun, shet ang corny ko! oh well. ubos na yung chocolates but i sure am going to keep the wrappers! hehe. senti-fool! oh, and he gave me a sorta-poem/letter too.
was singing "how sweet it is to be loved by you...." the whole night, then he'd answer back by singing "my girl..." swee-eet!
hope you all have a full of fun and lovin' week! hugs and kisses to y'all. *wink*
Pinag-isipan, pinaghirapan, ipinaskil ngayong 06:30 am ni ninibeLLes
Wednesday, February 09, 2005
i just realized na sobrang nakakapagod pala ng buhay ko. paano ko nasabi yan?
1. im working fulltime. 10pm to 7am ang shift ko.
2. im also a fulltime student. 15units ako this sem at puro majors pa.
3. editor in chief ako ng mag/newspaper ng org namin.
4. hindi alam ng mom ko na nagdo-dorm ako.
5. i get about 3 to 4 hours of sleep evreryday. swerte ko pag naka-5.
i know, hindi ako dapat nagrereklamo kasi ako naman yung may kasalanan kung bat ganito ang buhay ko ngayon. ako naman kasi ang nag-insist na magwork ako [kahit ayaw ng mom ko]. syempre, gusto ko ring magka-diploma kaya nag-aaral ako. napatagal nga lang ang graduation ko kasi nagshift ako. ako rin ang may gawa nun. mahal ko yung org ko kaya hindi ko maiwan-iwan. ayan nga't officer pa ako kahit honorary member na lang ako dun. at mas lalong kasalanan ko kung bakit hirap na hirap na akong itago na nagdo-dorm ako. oo, pwede niyong sabihin na bakit kasi hindi ko na lang sabihin ang totoo sa parents ko, believe me, kung magulang mo ang magulang ko, you'd rather lie than tell them the truth.
hay. monday was really a trying day for me. yun ang pinakahectic sa lahat. galing akong bahay, uuwi sa dorm para iwan ang mga gamit, catch a 30min nap, punta sa school, tambay sa org, discuss yung mga projects with my committee head. lalo pa ngayon na isa ako sa mga project coordinators ng movie re-run ng AMELIE [feb 14, 5pm at the UP Film Institute! Php50 lang ang tickets!] ang dami-dami talagang ginagawa. hanap ng tie-up orgs, publicity materials, posting, advertise, chalk brigades. ang dami. tapos sandamakmak na acads work din. may report kami sa STS na ilang beses ng napost-pone yung dubbing session [bat ba kasi hindi na lang mag-powerpoint e! potah, may mga dubbing-dubbing pa e wala namang nakikinig sa sts!!] may inetrvies pa kami kay Mayor Binay para sa PA151 [local governance] namin. ito yung bwakanangshet na subject na simula nung nobyembre e hindi pa rin ako natatawag sa graded recitation! yung iba kilala na niya sa dalas niyang tawagin samantalang ako, nunca akong tinawag! at nung minsang nag-absent ako e dun pa ako tinawag! potah. may policy paper din kami sa PA141 [public policy and processes] about indigenous people with focus on ones involved in mining activities. at may study tour pa kami sa Mauban, Quezon. 3days and 2nights yun at sa anniversary pa namin ni vic! pag minamalas nga naman. syempre, di pahuhuli ang PI100 [philippine institutions].may reports pa kami at of all topics naman, NOli Me Tangere pa! PI talaga! putangina. mamamatay na talaga ako. swear. as in now na.
yung mag/newspaper naman namin, so far, puro good reviews. aba, dapat lang, e dugo't pawis at di birong pera ang ipinuhunan dun! hehe. shet, umabot kami ng 4k! pero nung nakita ko yung mag, ah, 'twas all worth it. bigla kong nakalimutan na nagshort kami sa 500. saka na namin iisipin kung saang kamay ng diyos kami kukuha ng funds para sa next issue namin.
oh well. in fairness, alam na ng ate ko at ng sister ko na nagdo-dorm ako. at least mejo maluwag na sa dibdib. dun nga sila matutulog next week e! UP FAIR na kasi! at syempre, sandamakmak na gigs na 'to! yahoo! [UP FAIR WEEK is on Feb 14-18! Punta kayo guys!! naka-leave ako ng 17 and 18 so kita kits!]
wala, nagdrama-mesh lang ako kahapon. mukha akong tanga, iyak ako ng iyak habang kausap ko si vic. nagi-guilty na nga ako e. lagi ko na lang iniistorbo yun tuwing nade-depress ako. as if being a med student is not hard enough! swerte ko talaga sa boyfriend. pero syempre, mas swerte siya sakin! *wink*
ayun, isa lang akong malaking pa-pampam! pero at least, nag-update ako ng blog! hehe. yung namin ni jabi, pina-scan ko na sa friend ko! yahoo! malapit ko ng ma-post!
nga pala, may balak akong lumipat ng company! pero saka ko na ikukwento yung mga job hunting escapades namin, pag marami-rami na. hehe.
HAPPY CHINESE NEW YEAR! [mukha daw kasi akong intsik e. hindi naman e! di ba???]
Pinag-isipan, pinaghirapan, ipinaskil ngayong 06:14 am ni ninibeLLes
Thursday, January 27, 2005
at ako'y nabuhay na mag-uli...
IM BACK!!!!
actually, nilamon lang ako ng acads at work. haha.
i am ok, except for a recurring unknown sickness that includes constant vomitting and diarrhea, migraine that caused me to miss several classes, i am perfectly ok.
projects, papers, study tours, presentations, movies [for a subject] are the things that pretty much keep me busy. aside from my work, that is.
tangina. english. di ko kinaya.
ok. ayun. busy-busyhan kasi ang drama ko ngayon. walang panahon sa lahat, pati sa sarili ko. haha.
nga pala, napanood ko na kung fu hustle, shet! laughtrip galore! panalo talaga. ang sakit ng panga ko pagkatapos.
na miss ko rin ang blogging, yun nga lang, di ko talaga masingit sa dami ng aking gawain. haha.
punta ako kila vic bukas, variety show ng buong med school e. hehe. moral support.
may graded recitation ako bukas, tapos midterms namin sa STS, kaso, hindi pa ako nag-aaral. haha!
btw, po-post ko yung dream come true ko na pic pag napa-scan ko na! *hint, may kasama akong sikat na bubuyog!*
Pinag-isipan, pinaghirapan, ipinaskil ngayong 08:41 pm ni ninibeLLes
|